Malimit na pag-aaksaya
‘Di ka ba nababahala?
Mga nakikita sa yamang-likas
Pag-aaksaya ay wagas
Pagkaubos nito’y ‘di pinapansin
Hihintaying pa bang bansa’y maging alanganin?
Tayong mga taong may maling pagtingin
Sa mga yamang likas sa ating paningin
Magagandang likha ng Diyos
Kailan kaya hindi mangangapos
‘Pagkat kanyang likha’y sadyang mahalaga
At marapat na huwag ipagwalang-bahala
Kasalukuyang kalagayan hindi inintindi
Sapagkat mga tao’y sadyang nabibingi
Hindi pinapansin mga pangyayari
Na pag-unlad ng bansa ang sadyang mithi
Pagkakaisa at pagpapahalaga ang tanging solusyon
Sa suliraning sana ay ilusyon
Kailanangang gumawa ng aksyon
Upang pag-unlad ay matunton.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento