Isa sa relihiyong
Kristyano ang Iglesia ni Cristo na nagmula sa
Pilipinas noong 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo na naging unang
tagapamahalang pangkalahatan nito. Noong pumanaw si Felix Manalo,nagkaroon ang simbahan
ng 1,250 kongregasyon at 35 malaking katedral. Namuno naman ang kanyang anak na
si Erano Manalo na nagpalaganap pa ng relihiyong ito. Si Eduard Manalo naman
ang humalili kay Erano bilang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni
Cristo.
Ang mga kasapi sa relihiyong ito ay sumasamba ng dalawang
beses sa isang linggo. Pinagbabawalan sila sa pag-iinom,paninigarilyo o anumang
bisyo. Kapatid ang kanilang tawagan sa isa’t isa at kilala sila sa pagiging
simple,magalang,masunurin at mataas na moralidad. Tinatayang pumapangatlo ang
Iglesia ni Cristo sa pinakamalaking samahang pangrelihiyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento