Ano ang napapansin mo sa ekonomiya? Masasabi mo bang munlad
ang ating bansa? Ano ang mga kalamidad na ating nararanasan>maganda ba ang
nagiging epekto nito sa atin?Paano nga ba natin mababawasan ang panganib na
dulot ng kalamidad?May nagagawa ba tayo kahit isang mag-aaral lamang ang ating
kinalalagyan?
Napakasarap magkaroon
ng maunlad na bansa. Walang mga krisis na madalas na nagaganap at kung meron
man,ay madali itong nasosolusyunan. Isa lang itong halimbawa ng isang maunlad
na bansa. Isa ito sa mga pagsubok na mga dinaranas ng ating bansa. Napakalaki
ang nagiging epekto nito sa ating bansa dahil marami ang nawawasak nito;hindi
lang kalikasan kundi pati na rin ang buhay ng isang tao.Kasama na rin ang mga
pangangailangan ng mga nabiktima na hindi naman matugunan minsan ng pamahalaan.
May mga paraan naman
na maaaring gawin upang mabawasan ang kalamidad na may dulot na panganib.
Malaking tulong ito para sa pag-iwas sa mga suliranin na kakaharapin ng bansa.
Makatutulong ang pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbong kagubatan o maaaring
sa sariling pamayanan upang maiwasan ang malawakang pagbaha na maaaring
makasira sa ating kalikasan.
Kahit sino ay
maaaring makatulong sa pag-iwas sa panganib na dulot ng kalamidad. Maaaring
mabawasan ang mga ito sa tulong ng mga tao. Bilang mag-aaral,iiwasan ko ang
paggamit o gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira ng ekonomiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento