Sa bawat pahayag ni Pnoy ay kanyang binanggit ang mga punto sa
bawat kategorya. Ang kanyang talumpati ay umabot ng isang oras at tatlumput
limang minuto.
Ang kanyang mga
binanggit na kategorya ay tungkol sa kahirapan. Sinabi niya ang pagsisimula ng
Expanded Conditional Cash Transfer Program at nakatipid tayo dahil sa maayos na
pangangasiwa ng pondo. Nabanggit rin ni Pnoy na gumanda ang pagkolekta ng
buwis. Nabanggit niya rin ang tungkol sa
turismo. Sinabi niya ring dadami ang byahe ng local flight carriers palabas at
paloob ng bansa matapos naibalik ang good rating sa mga flights sa Pilipinas.
Sa imprastruktura naman ang kanyang sunod na ipinaliwanag. Ayon sa kanya ay
dumoble ang budget simula noong 2011 hanggang 2014 na P404 billion. Ang mga butas sa sistema sa
DPWH ay tinugunan na kaya naiwasan ang korapsyon. Nasabi niya rinang tungkol sa
kanyang mga proyekto. Tungkol naman sa AFP modernizattion,dumating ang apat na
refurbished UH1 helicopters at dalawang modernong navy cutters at ang gobyerno
magdadagdag pa ng mas maraming aircraft and radar system at iba pang
modernisasyon. Nasabi na rin ang proyekto tungkol sa pangkapayapaan. Kasama
dito ang matapos na negosasyon,naibalik ang tiwala dahil nilagdaan na ang
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at natupad na din ang makabagong AFP
dahil sa 1 to 1 ratio ng mgaa pistol ng kapulisan. Sa trabaho naman ay maraming Pilipino ang
nagdagdagan ang trabaho na umabot ng P1.65 milyon. Sinabi rin ni Pnoy ay
pag-angat ng ekonomiya at pagtugon sa pangangailangan ng K12 sa edukasyon.
Sa bawat puntong
ipinahayag ng ating presidente ay marami ay kanyang nagamapanan nang maayos
kaya naman patuloy pa rin akong naniniwala sa kanya na uunlad ang ating bansa
sa kabila ng ilang krisis ng hinaharap natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento