Layunin:Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong mga
pansariling pangangailangan alinsunod sa mga teorya nina Maslow at McClelland
Ang pagkakaiba ng
teorya ng pangangailangan nina Maslow at McClelland ay may iba’t ibang
pamantayan na nakaalinsunod sa kanilang teorya. Si Abraham Harold Maslow na
isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan
ng tao. Ayon sa kanya,habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang
pangangailanagan,siya ay maaaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng
karamdaman at panghihina ng katawan.May mga antas na nakapaloob dito,kasama sa
mga ito ay psychological,esteem,love/belonging,safety at ang pinakamataas na
antas ay ang actualization. Batay sa teorya,nagagawa lamang ng tao na maituon
ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang
antas. Ang isa pang teorya ay inilarawan ni David Clarence McClelland na
isang Amerikanong behaviorial
psychologist,sa kanyang aklat na The Achieving Society (1961)ang mga
pangangailangan ng tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga
karanasan. Ang mga pangangailangang ito ay nasuri sa tatlo-ang
natamo(achievement),kapangyarihan(power),at pagsapi (affiliation). Ayon sa
kanya, ang pagiging epektibo ng tao sa kanyang gawain ay naiimpluwensyahan ng tatlong pangangailangang ito.
3 lang ba sa teorya ni Mc Clelland
TumugonBurahin