Nagsisikap ka ba sa
pag-aaral?Naiisip mo na ba ang iyong kukuning kurso sa kolehiyo?Sigurado ka na
ba sa iyong desisyon sa hinaharap?Sumailalim ka na ba sa tinatawag na “Career
Orientation”?Ano ang iyong natutunan?Nakatulong ba ito sa iyo sa pagpili ng
kurso?Ano ang kahalagahan ng “Career Orientation” para sa iyo?
Ang Career
Orientation na ginaganap sa mga bawat paaralan taun-taon ay nagkakaroon ng
programa at dito pumupunta ang iba’t ibang paaralan ng kolehiyo upang iendorso
ang kanilang paaralan para makapili ka ng iyong papasukan pagdating ng
kolehiyo. Makatutulong ito para makapamili ang mga estudyante sa mga paaralan
na maaari nilang pasukan.
Sa aming naganap na
“Career Orientation”,pinagtipun-tipon ang mga kapwa ko kamag-aral na nasa
ika-apat na taon upang lumahok sa programang ito. Ito ay ginaganap sa aming
gymnasium na nagsimula mula Miyerkules hanggang Biyernes nang maghapon. Tatlong
araw itong ginanap kaya naman lubos itong makakatulong sa amin. Noong
Miyerkules,bilang pagsisismula ng aming programa;ay inatasan kaming magsuot ng
damit o uniporme na gusto naming maging balang araw. May mga nakasuot ng
unipormeng pulis,guro,doktor at iba pang propesyon na nais nilang pangarap sa
hinaharap. Samantala sa pangalawa at pangatlong araw,nag endorso na sa amin ang
iba’t ibang paaralan. Dumating rin ang mga dating estudyante ng aming paaralan
para bigyan kami ng payo sa kukuhanin naming kurso para maging kagaya kami
katulad nila na matagumpay sa buhay at sa trabaho. Marami kaming natutunan sa
mga nagsalita sa programa kaya naman maraming estudyante ang natulungan nito sa
pagpili ng kukuhaning nilang kurso pagdating ng kolehiyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento