Ano nga ba ang “Eid’l Adha”?Anong klaseng pagdiriwang
ito?Anong relihiyon ang nagdiriwang nito?
Ang Eid’l Adha ay
tinatawag na “Pagdiriwang ng Sakripisyo” o “Mas Malaking Eid” na kapistahang
ipinagdiriwang ng mga Muslim kasama ang Druze sa buong mundo upang alalahanin
ang pagpapaunlad ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si
Ismael bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos. Ito ang pangalawa at panghuli
sa dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim na ibinatay
mula sa Kuran. Katulad ng Eid’l Fitr,sinisimulan ang Eid’l Adha sa pamamagitan
ng isang maikling panalanging sinusundang ng isang sermon o “khutba”.
Taunang pumapatak ang
Eid’l Adha tuwing pang-10 araw na buwan ng Dhul Hijja ng maka-buwanang
kalendaryong Islamiko. Nagtatagal ng mga tatlong araw ang pagdiriwang o mahigit
pa,depende sa bansa. Nagaganap ang Eid’l Adha sa araw na pagkaraan ng pagbaba
ng mga paregimong nagsasagawa ng Hajj mula sa Bundok ng Arafat o isang taunang
pilgrimahe sa Mecca na nasa Arabyang Saudi ang Hajj. Nangyayari ang Eid’l Adha
bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento