Kailan ipinagdiriwang
ang Pambansang Araw ng mga Bayani?Ano nga ba ang kahalagahan nito para sa ating
mga Pilipino?Paano nga ba natin ipinagdiriwang ang mahalagang araw na ito sa
ating bansa?
Ang Araw ng mga
Pambansang Bayani ay hango sa Republic Act No. 3827 na ipinasa ng Philippine
Legislature noong ika-28 ng Oktubre,taong 1931. Maraming bayani ang nagtangkang
ipaglaban ang ating bansa. Kaya naman ito ay ipinagdiriwang tuwing huling
linggo ng Agosto bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t ibang
personalidad na lumaban at nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas.
Napakahalaga ng araw
na ito sapagkat dito natin inaalala ang kanilang pag-aalay ng buhay para sa
demokrasya. Sila ang mga nanilbihan ng tapat at nagpatuloy na nabuhay nang may
dangal at kabayanihan para sa kapakanan ng ating bayan. Sila ang hindi
nakuntento sa kalagayan ng ating bansa noon kaya’t iniwan nila ng buong tapang
ang ginhawa at tahimik na buhay. Nakibaka sila,sumanib sa kilusan at hindi muna
inisip ang sarili upang ipaglaban ang bawat karapatan ng Pilipino.
Ipinagdiriwang ito ng
ating bansa sa paraang pagpapaalala sa atin ng kanilang kabayanihan at paglahok
sa mga seremonya bilang alay sa kanilang ginawa. Sa ganitong paraan natin
naipapakita ang pagtanggap natin ang hamon na ipagpatuloy ang nasimulan ng
ating mga ninuno. Kaya naman hinihimok din ang lahat na magkusang tumulong sa
pagpapalaganap ng tunay na kahulugan ng kabayanihan. Dinadakila natin ang ating
mga bayani sapagkat sila ang huwaran ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga sa
bayan. Kailangan nating balikan ang kanilang mga mabuting ehemplong
magsisilbing patnubay sa ating pagkakaisang iahon ang ating bansa sa kanyang
pagdurusa.
ang ganda
TumugonBurahinWow amazing very good po hahaha
TumugonBurahin👏
TumugonBurahin