Ano nga ba ang
intramurals?Paano ito ipinagdiriwang?Ano ang mga kaganapan dto?Ano nga ba ang
tema ng Intramurals ngayong taong 2014?May mahalaga bang aral na naibigay sayo
ang Intramurals?Ano ito?
Sa bawat paaralan,may
ginaganap na mga palaro o tinatawag na Intramurals. Ito ay ginaganap sa
paaralan at doon ang naglalaro ang iba’t ibang pangkat sa iba’t ibang klaseng
palakasan o tinatawag na “sports” ang bawat mag-aaral na kalahok. Ngayong taon
ay muling ipinagdiriwang ng paaralan ng Tagaytay City Science National
Highschool ang Intramurals na may temang “One Child,One Sport”.
Sa naganap na palaro
sa nasabing paaralan,hinayaan ang bawat estudyante na manood ng Intramurals
para kanilang masaksihan ang magagandangg pangyayari sa magaganap na laro.
Naghandog din ang bawat pangkat na may iba’t ibang baitang o antas na taon ng
kanilang “mass demo”. Nagsilbi itong napakagandang presentasyon sa bawat nanood
sa Intramurals dahil lahat sila ay magagaling.
Bawat manlalaro sa
iba’t ibang sports ay nagpakita ng kanikanyang kakayahan para manalo sa laro.
Ipinakita nila ang kanilang determinasyon sa bawat laro kaya naman matagumpay
ang nangyaring Intramurals. Sa bawat pagkatalo ng manlalaro ay tinatanggap nila
ito nang bukal sa puso kaya naman kahanga-hanga sila. Nakakaaliw talaga ang
magkaroon ng Intramurals dahil dito rin tayo natututo para tanggalin ang ating
sarili sa hiya at makilahok sa iba’t ibang laro.