Lunes, Marso 9, 2015

Amaya

   Nagsimula ang kwento sa isang digmaan ng dalawang angkan. Nanalo ang grupo ni Raja Mangubat na siyang namumuno at kinatatakutan ng lahat dahil sa pagiging malupit nito. Nagdiwang ang tribo hanggang sa nakausap ni Mangubat ng isang matandang babaylan. Sinabihan siya ng babaylan na matatalo siya ng isang babaeng ipapanganak na may kakambal na ahas. Hindi makapaniwala ang raja sa sinabi ng babaylan kaya ito'y nagalit at pinatay ang babaylan . Sinubukan muling magtanong ni Mangubat kung totoo nga ba ang sinabi ng pinaslang niyang babaylan sa isang sinasamba niyang babaylan at nalaman niyang totoo nga ang sinabi ng babaylan. Natuwa si Datu Bugna dahil nalaman niyang buntis ang kanyang uripon na si Dal'lang. Hindi naman natuwa si Dian Lamitan na asawa ng datu kaya binalalaan niya ang uripon  na huwag umasang makakasama niya ang datu. Maging ang datu ay binantaan rin ng kanyang asawa. Dahil dito, pumunta sa isang lugar si Datu Bugna upang magdasal at mag-alay at pumunta rin dito si Dal'lang.
   Iba ang mga pamamaraan ng mga karakter sa kwento sa kanilang pamumuhay. Inirereprisinta ng mga tauhan sa kwento ang mga sinaunang Pilipino noon. Sumasamba sila sa mga babaylan na pinaniniwalaan nilang manghuhula. Umaasa rin sila sa kalikasan at dito sila nag-aalay o nagdadasal. Pinamumunuan rin sila ng mga raja o mga datu na kanilang sinusunod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento