Miyerkules, Marso 11, 2015

Suliranin sa Pagdedesisiyon

Suliranin ng pamilya-Nagdadalawang-isip ang aking mga magulang na magtayo ng isang kainan(canteen)

Desisyon ng Magulang-Napagdesisyunan ng aking pamilya na magtayo na nga kami ng canteen.

Sang-ayon ka ba?Bakit?-Sang-ayon ako dahil alam kong marami ang kakain sa canteen namin dahil malapit lamang kami sa paaralan at plaza.


Di ka sang-ayon?Bakit?Ano ang mungkahi mo?-Hindi ako sang-ayon dahil baka mahirapan lamang ang aking mga maggulang lao na’t wala silang katulong at nag-aaral pa kaming lahat na anak.

Pangangailangan o Kagustuhan

   Bawat isa sa atin ay may pangangailangan at kagustuhan. Batay sa aking magulang,mas mahalaga sa kanila ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan. Ang mga sumusunod ay ang mga pangangailangan na binibigyang pansin:
1.Pagkain-kailangan ito sa araw-araw at kailangan ito ng ating katawan para mabuhay.
2.Maintenance-ito ang mga bayarin katulad ng kuryente na ginagamit din natin sa araw-araw.
3.Edukasyon-pag-aaral na dapat pag-igihan dahil kailangan ito para maging maayos ang magiging hinaharap.
4.Damit-kailangan din ito ng ating katawan para may proteksyon ito.
5.Gadgets-kailangan para magkaroon pa rin ng komunikasyon sa isa’t isa kahit malayo.
   Ilan lamang iyon sa mga binibigyang pansin ng aking magulang. Mas gusto nila ang pangangailangan na unahin dahil wala naman kaming sobra-sobrang pera na pwedeng ipambili ng aming mga kagustuhan palagi.

Maslow at McClelland

Layunin:Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong mga pansariling pangangailangan alinsunod sa mga teorya nina Maslow at McClelland


   Ang pagkakaiba ng teorya ng pangangailangan nina Maslow at McClelland ay may iba’t ibang pamantayan na nakaalinsunod sa kanilang teorya. Si Abraham Harold Maslow na isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya,habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang pangangailanagan,siya ay maaaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan.May mga antas na nakapaloob dito,kasama sa mga ito ay psychological,esteem,love/belonging,safety at ang pinakamataas na antas ay ang actualization. Batay sa teorya,nagagawa lamang ng tao na maituon ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. Ang isa pang teorya ay inilarawan ni David Clarence McClelland na isang  Amerikanong behaviorial psychologist,sa kanyang aklat na The Achieving Society (1961)ang mga pangangailangan ng tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan. Ang mga pangangailangang ito ay nasuri sa tatlo-ang natamo(achievement),kapangyarihan(power),at pagsapi (affiliation). Ayon sa kanya, ang pagiging epektibo ng tao sa kanyang gawain ay naiimpluwensyahan  ng tatlong pangangailangang ito.

International Day For Disaster Reduction

Ano ang napapansin mo sa ekonomiya? Masasabi mo bang munlad ang ating bansa? Ano ang mga kalamidad na ating nararanasan>maganda ba ang nagiging epekto nito sa atin?Paano nga ba natin mababawasan ang panganib na dulot ng kalamidad?May nagagawa ba tayo kahit isang mag-aaral lamang ang ating kinalalagyan?
   Napakasarap magkaroon ng maunlad na bansa. Walang mga krisis na madalas na nagaganap at kung meron man,ay madali itong nasosolusyunan. Isa lang itong halimbawa ng isang maunlad na bansa. Isa ito sa mga pagsubok na mga dinaranas ng ating bansa. Napakalaki ang nagiging epekto nito sa ating bansa dahil marami ang nawawasak nito;hindi lang kalikasan kundi pati na rin ang buhay ng isang tao.Kasama na rin ang mga pangangailangan ng mga nabiktima na hindi naman matugunan minsan ng pamahalaan.
   May mga paraan naman na maaaring gawin upang mabawasan ang kalamidad na may dulot na panganib. Malaking tulong ito para sa pag-iwas sa mga suliranin na kakaharapin ng bansa. Makatutulong ang pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbong kagubatan o maaaring sa sariling pamayanan upang maiwasan ang malawakang pagbaha na maaaring makasira sa ating kalikasan.
   Kahit sino ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa panganib na dulot ng kalamidad. Maaaring mabawasan ang mga ito sa tulong ng mga tao. Bilang mag-aaral,iiwasan ko ang paggamit o gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira ng ekonomiya.


Eid’l Adha

Ano nga ba ang “Eid’l Adha”?Anong klaseng pagdiriwang ito?Anong relihiyon ang nagdiriwang nito?
   Ang Eid’l Adha ay tinatawag na “Pagdiriwang ng Sakripisyo” o “Mas Malaking Eid” na kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim kasama ang Druze sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlad ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos. Ito ang pangalawa at panghuli sa dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim na ibinatay mula sa Kuran. Katulad ng Eid’l Fitr,sinisimulan ang Eid’l Adha sa pamamagitan ng isang maikling panalanging sinusundang ng isang sermon o “khutba”.
   Taunang pumapatak ang Eid’l Adha tuwing pang-10 araw na buwan ng Dhul Hijja ng maka-buwanang kalendaryong Islamiko. Nagtatagal ng mga tatlong araw ang pagdiriwang o mahigit pa,depende sa bansa. Nagaganap ang Eid’l Adha sa araw na pagkaraan ng pagbaba ng mga paregimong nagsasagawa ng Hajj mula sa Bundok ng Arafat o isang taunang pilgrimahe sa Mecca na nasa Arabyang Saudi ang Hajj. Nangyayari ang Eid’l Adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.


Career Orientation

   Nagsisikap ka ba sa pag-aaral?Naiisip mo na ba ang iyong kukuning kurso sa kolehiyo?Sigurado ka na ba sa iyong desisyon sa hinaharap?Sumailalim ka na ba sa tinatawag na “Career Orientation”?Ano ang iyong natutunan?Nakatulong ba ito sa iyo sa pagpili ng kurso?Ano ang kahalagahan ng “Career Orientation” para sa iyo? 
   Ang Career Orientation na ginaganap sa mga bawat paaralan taun-taon ay nagkakaroon ng programa at dito pumupunta ang iba’t ibang paaralan ng kolehiyo upang iendorso ang kanilang paaralan para makapili ka ng iyong papasukan pagdating ng kolehiyo. Makatutulong ito para makapamili ang mga estudyante sa mga paaralan na maaari nilang pasukan.
   Sa aming naganap na “Career Orientation”,pinagtipun-tipon ang mga kapwa ko kamag-aral na nasa ika-apat na taon upang lumahok sa programang ito. Ito ay ginaganap sa aming gymnasium na nagsimula mula Miyerkules hanggang Biyernes nang maghapon. Tatlong araw itong ginanap kaya naman lubos itong makakatulong sa amin. Noong Miyerkules,bilang pagsisismula ng aming programa;ay inatasan kaming magsuot ng damit o uniporme na gusto naming maging balang araw. May mga nakasuot ng unipormeng pulis,guro,doktor at iba pang propesyon na nais nilang pangarap sa hinaharap. Samantala sa pangalawa at pangatlong araw,nag endorso na sa amin ang iba’t ibang paaralan. Dumating rin ang mga dating estudyante ng aming paaralan para bigyan kami ng payo sa kukuhanin naming kurso para maging kagaya kami katulad nila na matagumpay sa buhay at sa trabaho. Marami kaming natutunan sa mga nagsalita sa programa kaya naman maraming estudyante ang natulungan nito sa pagpili ng kukuhaning nilang kurso pagdating ng kolehiyo.


Intramurals 2014

   Ano nga ba ang intramurals?Paano ito ipinagdiriwang?Ano ang mga kaganapan dto?Ano nga ba ang tema ng Intramurals ngayong taong 2014?May mahalaga bang aral na naibigay sayo ang Intramurals?Ano ito?
   Sa bawat paaralan,may ginaganap na mga palaro o tinatawag na Intramurals. Ito ay ginaganap sa paaralan at doon ang naglalaro ang iba’t ibang pangkat sa iba’t ibang klaseng palakasan o tinatawag na “sports” ang bawat mag-aaral na kalahok. Ngayong taon ay muling ipinagdiriwang ng paaralan ng Tagaytay City Science National Highschool ang Intramurals na may temang “One Child,One Sport”.
   Sa naganap na palaro sa nasabing paaralan,hinayaan ang bawat estudyante na manood ng Intramurals para kanilang masaksihan ang magagandangg pangyayari sa magaganap na laro. Naghandog din ang bawat pangkat na may iba’t ibang baitang o antas na taon ng kanilang “mass demo”. Nagsilbi itong napakagandang presentasyon sa bawat nanood sa Intramurals dahil lahat sila ay magagaling.

   Bawat manlalaro sa iba’t ibang sports ay nagpakita ng kanikanyang kakayahan para manalo sa laro. Ipinakita nila ang kanilang determinasyon sa bawat laro kaya naman matagumpay ang nangyaring Intramurals. Sa bawat pagkatalo ng manlalaro ay tinatanggap nila ito nang bukal sa puso kaya naman kahanga-hanga sila. Nakakaaliw talaga ang magkaroon ng Intramurals dahil dito rin tayo natututo para tanggalin ang ating sarili sa hiya at makilahok sa iba’t ibang laro.

Tula

Malimit na pag-aaksaya
‘Di ka ba nababahala?
Mga nakikita sa yamang-likas
Pag-aaksaya ay wagas

Pagkaubos nito’y ‘di pinapansin
Hihintaying pa bang bansa’y maging alanganin?
Tayong mga taong may maling pagtingin
Sa mga yamang likas sa ating paningin

Magagandang likha ng Diyos
Kailan kaya hindi mangangapos
‘Pagkat kanyang likha’y sadyang mahalaga
At marapat na huwag ipagwalang-bahala

Kasalukuyang kalagayan hindi inintindi
Sapagkat mga tao’y sadyang nabibingi
Hindi pinapansin mga pangyayari
Na pag-unlad ng bansa ang sadyang mithi

Pagkakaisa at pagpapahalaga ang tanging solusyon
Sa suliraning sana ay ilusyon
Kailanangang gumawa ng aksyon

Upang pag-unlad ay matunton.

National Heroes Day

   Kailan ipinagdiriwang ang Pambansang Araw ng mga Bayani?Ano nga ba ang kahalagahan nito para sa ating mga Pilipino?Paano nga ba natin ipinagdiriwang ang mahalagang araw na ito sa ating bansa?
   Ang Araw ng mga Pambansang Bayani ay hango sa Republic Act No. 3827 na ipinasa ng Philippine Legislature noong ika-28 ng Oktubre,taong 1931. Maraming bayani ang nagtangkang ipaglaban ang ating bansa. Kaya naman ito ay ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Agosto bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t ibang personalidad na lumaban at nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas.
   Napakahalaga ng araw na ito sapagkat dito natin inaalala ang kanilang pag-aalay ng buhay para sa demokrasya. Sila ang mga nanilbihan ng tapat at nagpatuloy na nabuhay nang may dangal at kabayanihan para sa kapakanan ng ating bayan. Sila ang hindi nakuntento sa kalagayan ng ating bansa noon kaya’t iniwan nila ng buong tapang ang ginhawa at tahimik na buhay. Nakibaka sila,sumanib sa kilusan at hindi muna inisip ang sarili upang ipaglaban ang bawat karapatan ng Pilipino.

   Ipinagdiriwang ito ng ating bansa sa paraang pagpapaalala sa atin ng kanilang kabayanihan at paglahok sa mga seremonya bilang alay sa kanilang ginawa. Sa ganitong paraan natin naipapakita ang pagtanggap natin ang hamon na ipagpatuloy ang nasimulan ng ating mga ninuno. Kaya naman hinihimok din ang lahat na magkusang tumulong sa pagpapalaganap ng tunay na kahulugan ng kabayanihan. Dinadakila natin ang ating mga bayani sapagkat sila ang huwaran ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga sa bayan. Kailangan nating balikan ang kanilang mga mabuting ehemplong magsisilbing patnubay sa ating pagkakaisang iahon ang ating bansa sa kanyang pagdurusa.

Ninoy Aquino Day

   Kilala nyo na si Ninoy Aquino?Sino nga ba siya?Kailan sinimulan ipagdiwang ang Ninoy Aquino Day?Anu-ano nga ba ang kanyang mga nagawa ni Ninoy para sa ating bansa?
   Si Benigno Simeon “Ninoy Aquino,Jr.” na mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino,Jr. ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos.  Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagkapangulo ng kanyang maybahay na si Corazon Aquino na pumalit sa 20 taong rehimeng Marcos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino,bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang pagbabalik at mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lamang niya sa paliparan ng MIA,siya ay binaril. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21,1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng mga taong-bayan.
   Nagawa ang fiesta opisyal ng Republic Act 9256,na nilagdaan ni Presidenteng Gloria Macapagal Arroyo noong Pebrero 25,2004,dalawampu’t isang taon matapos ang pagkamatay ni Ninoy Aquino at labingwalog taon matapos ang People Power Revolution. Ito ay itinakdang ipagdiwang tuwing ika-21 ng Agosto dahil sa araw na ito nag-umapaw ang galit ng taumbayan dahil sa pagpaslang kay Ninoy Aquino.

   Ang pagprotesta ni Ninoy laban sa isang makapangyarihang diktadurya ay isa sa kanyang mga nagawa. Hindi niya hinimok ang mga Pilipinong mag-alsa sa isang madugong pamamaraan dahil alam niya na ang higit na magdudusa ay ang taong-bayan. Minulat niya ang kaisipan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng kanyang sakripisyo. Nagiasing ang taumbayan sa realidad kung paano kahirap mabuhay sa isang diktaturyang rehimen. Binigyan niya ng sapat na lakas ng loob ang bawat Pilipino na ihayag ang kanilang karapatan na dati rati’y may bahagyang takot dahil na rin sa kapangyarihan ng batas militar. Isa lang si Ninoy Aquino sa magagandang ehemplo na nagpapkita ng kabutihan ng kanyang puso at kanyang hangarin kaya nararapat lamang siyang parangalan.

State of the Nation Address 2014

Sa bawat pahayag ni Pnoy ay kanyang binanggit ang mga punto sa bawat kategorya. Ang kanyang talumpati ay umabot ng isang oras at tatlumput limang minuto.
   Ang kanyang mga binanggit na kategorya ay tungkol sa kahirapan. Sinabi niya ang pagsisimula ng Expanded Conditional Cash Transfer Program at nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Nabanggit rin ni Pnoy na gumanda ang pagkolekta ng buwis.  Nabanggit niya rin ang tungkol sa turismo. Sinabi niya ring dadami ang byahe ng local flight carriers palabas at paloob ng bansa matapos naibalik ang good rating sa mga flights sa Pilipinas. Sa imprastruktura naman ang kanyang sunod na ipinaliwanag. Ayon sa kanya ay dumoble ang budget simula noong 2011 hanggang 2014 na  P404 billion. Ang mga butas sa sistema sa DPWH ay tinugunan na kaya naiwasan ang korapsyon. Nasabi niya rinang tungkol sa kanyang mga proyekto. Tungkol naman sa AFP modernizattion,dumating ang apat na refurbished UH1 helicopters at dalawang modernong navy cutters at ang gobyerno magdadagdag pa ng mas maraming aircraft and radar system at iba pang modernisasyon. Nasabi na rin ang proyekto tungkol sa pangkapayapaan. Kasama dito ang matapos na negosasyon,naibalik ang tiwala dahil nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at natupad na din ang makabagong AFP dahil sa 1 to 1 ratio ng mgaa pistol ng kapulisan. Sa  trabaho naman ay maraming Pilipino ang nagdagdagan ang trabaho na umabot ng P1.65 milyon. Sinabi rin ni Pnoy ay pag-angat ng ekonomiya at pagtugon sa pangangailangan ng K12 sa edukasyon.
   Sa bawat puntong ipinahayag ng ating presidente ay marami ay kanyang nagamapanan nang maayos kaya naman patuloy pa rin akong naniniwala sa kanya na uunlad ang ating bansa sa kabila ng ilang krisis ng hinaharap natin.


Eid Ul-Fitr

   Ang Eid Ul-Fitr ay isang kapistahan na palatandaan ng katapusan ng Ramadan. Isang banal na pag-aayuno ang Ramadan. Isang salitang Arabe ang Eid na may ibig sabihing “masayang kapistahan”,habang nangangahulugang “putulin(wasakan) ang ayuno”,kaya’t sumasagisag ang pagdiriwang na Eid ul-Fitr  bilang pagtatapos ng panahon ng pag-aayuno. Pinagdiriwang ito pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan,sa unang araw ng Shawwal. Tumatagal ang selebrasyon ng tatlong araw. Inaatasan ng Kuran ang mga Muslim na buuin o kumpletuhin ang kanilang pag-aayuno sa huling araw ng Ramadan at bigkasin ang Takbir pagkaraan  sa buong panahon ng Eid.

Iglesia ni Cristo

   Isa sa relihiyong Kristyano ang Iglesia ni Cristo na nagmula sa  Pilipinas noong 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo na naging unang tagapamahalang pangkalahatan nito. Noong pumanaw si Felix Manalo,nagkaroon ang simbahan ng 1,250 kongregasyon at 35 malaking katedral. Namuno naman ang kanyang anak na si Erano Manalo na nagpalaganap pa ng relihiyong ito. Si Eduard Manalo naman ang humalili kay Erano bilang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.

   Ang mga kasapi  sa relihiyong ito ay sumasamba ng dalawang beses sa isang linggo. Pinagbabawalan sila sa pag-iinom,paninigarilyo o anumang bisyo. Kapatid ang kanilang tawagan sa isa’t isa at kilala sila sa pagiging simple,magalang,masunurin at mataas na moralidad. Tinatayang pumapangatlo ang Iglesia ni Cristo sa pinakamalaking samahang pangrelihiyon.

Apolinario Mabini

Marami nang kilalang bayani sa ating bansa. Isa na rito ay si Apolinario Mabini y Maranan. Kilala siya bilang ang “Dakilang Paralitiko”. Ipinanganak siya noong Hulyo 23,1864,sa Tanauan,Batangas sa mahihirap na mga magulang na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
   Nakapag-aral si Mabini at naging propesor sa Latin. Nakapagtapos din siya ng pagkaabogado noong 1864. Samantalang nag-aaral din siya ng batas at sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija at nagkasakit noong 1896 na lumumpo sa kanya.
   Bilang bayani ng ating bansa ang kanyang mga naiambag ay ang kanyang pagiging theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901 at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899

Lunes, Marso 9, 2015

Bagyong Glenda

   Sa bawat araw na dumadaan ay mayroong mga bagay na hindi inaasahang mangyayari. Katuladna lamang ng pagdating sa ating bansa ng bagyong "Glenda". Dumating ito at tuluyang naghimasik ng kanyang lakas noong July 15,2014. Nagsimula ito ng oras ng madaling araw at ipinaramdam ang napakalakas na ulan at sinabayan pa ng napakalakas na hangin. Nawalan din ng kuryente sa amin kaya nahirapan kaming umayon sa aming pamumuhay. Hindi lang kami ang nawalan ng kuryente kundi halos lahat ng nasalanta ng bagyong "Glenda" lalo na't inabot pa ito ng mahigit tatlong araw at wala ring klase.
   Ang pagdaan ng mga unos sa ating bansa ay may malaking epekto sa ekonomiya.Nakaapekto ito sa mga tinitirahan ng ating mga kapwa lalo na ang mahihirap dahil wala silang sapat na pera para ipaayos ang mga nawasak. Naapektuhan rin nito ang mga paaralan na nasira o gumuho dahil mababawasan na  naman ang hindi nakakapag-aral. Sa ganitong pangyayari ay kailangan natin ang pagkakaisa  o pagtutulungan upang maisaayos at umunlad ang ating ekonomiya.

Amaya

   Nagsimula ang kwento sa isang digmaan ng dalawang angkan. Nanalo ang grupo ni Raja Mangubat na siyang namumuno at kinatatakutan ng lahat dahil sa pagiging malupit nito. Nagdiwang ang tribo hanggang sa nakausap ni Mangubat ng isang matandang babaylan. Sinabihan siya ng babaylan na matatalo siya ng isang babaeng ipapanganak na may kakambal na ahas. Hindi makapaniwala ang raja sa sinabi ng babaylan kaya ito'y nagalit at pinatay ang babaylan . Sinubukan muling magtanong ni Mangubat kung totoo nga ba ang sinabi ng pinaslang niyang babaylan sa isang sinasamba niyang babaylan at nalaman niyang totoo nga ang sinabi ng babaylan. Natuwa si Datu Bugna dahil nalaman niyang buntis ang kanyang uripon na si Dal'lang. Hindi naman natuwa si Dian Lamitan na asawa ng datu kaya binalalaan niya ang uripon  na huwag umasang makakasama niya ang datu. Maging ang datu ay binantaan rin ng kanyang asawa. Dahil dito, pumunta sa isang lugar si Datu Bugna upang magdasal at mag-alay at pumunta rin dito si Dal'lang.
   Iba ang mga pamamaraan ng mga karakter sa kwento sa kanilang pamumuhay. Inirereprisinta ng mga tauhan sa kwento ang mga sinaunang Pilipino noon. Sumasamba sila sa mga babaylan na pinaniniwalaan nilang manghuhula. Umaasa rin sila sa kalikasan at dito sila nag-aalay o nagdadasal. Pinamumunuan rin sila ng mga raja o mga datu na kanilang sinusunod.

Tagaytay Day

   Nagdiriwang ba tayo ng Araw ng Tagaytay? Paano natin ito ipinagdiriwang? Bakit nga ba natin ito ipinagdiriwang? Mahalaga ba na ipagdiwang ang araw na ito?
   Taun-taon ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng Tagaytay. Sa pagdaan ng araw na ito ay idinedeklara na ito ay "non-working day" para sa mga taga-Tagaytay. Bawat mamamayan sa Tagaytay ay alam ang mahalagang araw na ito. Ito ay idineklara na rin ng ating presidente na si Noynoy Aquino. 
   Ipinahayag ni Chief Executive ang deklarasyon sa pamamagitan ng ika 601 proklamasyon ng Executive Secretary na si Paquito N. Ochoa Jr. noong June 19 na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan sa Tagaytay ng oportunidad para ipagdiwang ang okasyon na may maaayos ring seremonya. Noong June 21,1938,ang Tagaytay ay naging pribilehiyong siyudad ng moralidad ng Commonwealth Act No. 338 kaya ito ang napilng araw ng pagdiriwang ng Tagaytay. 
   Mahalaga na malaman natin ang araw na ito upang magkaroon tayo ng malawak na pananaw sa lugar ng Tagaytay at kahit na kasaysayan nito. Dapat din nating ipagmalaki ang Tagaytay dahil ito ay isa sa mga pinakapopular na tanawin kung saan matatagpuan ang bulkan ng Taal sa gitna ng Taal Lake.

Birthday Card para kay Dr. Jose Rizal


Araw ng Kalayaan

                                                                "Araw ng Kalayaan"
   Ano ang nahihinuha mo kapag naririnig mo ang salitang "kalayaan"? Ano ang pumapasok sa iyong isip kapag naririnig mo ang salitang ito? Paano ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan ngayong taon? Ano ang kahalagahan ng okasyon na ito sa atin? Bilang mag-aaral,ano ang maiaambag mo para maisakatuparan ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon?
   Kalayaan,napakaismpleng salita ngunit napakalaki ng importansya sa bawat isa sa ating lahat. Bawat isa sa atin ay alam ang salitang "Araw ng Kalayaan" dahil ito'y isang napakaimportanteng araw kung saan iwinawagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na siyang sumisimbolo na malaya na ang pambansang Pilipinas. Si Emilio Aguinaldo ang ating ama ng pambansang watawat at nagpabatid na tayo ay malaya na sa kamay ng mga dayuhan noong Hunyo 12,1898. Isa siya sa napakahalagang tao sa ating kasaysayan kaya huwag natin siyang ipagwalang bahala.
   Ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan taun-taon sa ating bansa bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa pangyayaring ito. Iba't ibang aspeto na sa ngayon ang paraan ng pagdiriwang ng napakahalagang araw na ito katulad na lamang ng paggamit ng jet para makagawa sa langit ng larawanng watawat at kung minsa'y nagkakaroon din ng mga programa tungkol sa tema nitona nangyari ngayong taon.
   Napakahalaga ng araw na ito sapagkat dito natin naranasan ang pagiging makabayan nating mga Pilipino sa kabila ng pinagdaanan natin sa kamay ng mga dayuhan. Naging maligaya at payapa ang aing bansa noong naging malaya tayo kaya naman masasabi kong napakaimportante nitong araw na ito.
   Bilang isang mag-aaral,ang aking maiaambag para sa Araw ng Kalayaan na may temang "Ang pagsunod sa yapak ng mga dakilang Pilipino tungo sa malawak at permanenteng pagbabago" ay ang pag-aaral nang mabuti at pahalagahan ang ating mga bayani nang sa ganoon ay posible akong sumunod sa yapak nila sa ibang paraan o aspeto balang araw,hindi man kapareho ng kanilang ginawa noon.